MAGKANO ANG PANGARAP MO?

Narinig mo na ba to: "Libre lang ang mangarap."
Pag mukhang walang direksyon ang buhay mo, sasabihin nila, "wala ka man lang kaambi-ambisyon! " Pag ang dami-dami mong gustong gawin, sasabihin naman nila, "ambisyoso ka!"

Ayos ba?

May mga nagtatagumpay sa buhay, may sumisikat at nalalaos, may gumaganda ang buhay pansamantala ngunit pagkatapos ay bumabalik sa dati at kung minsan ay mas masahol pa.

Tignan mo yung kapitbahay mong nag Saudi o kaya'y pumunta sa Dubai at Italy o kaya si ate sa Hongkong. Wag na tayo lumayo…. Musta kaya ang buhay sa call center sa bandang Libis o Ortigas? O yung teller ng bangko sa Makati . Ano ba ang kasalukuyang sinasalamin ng buhay nila. Kaginhawaan? Kasaganahan? O kahirapan pa din.

Marahil marami ang nangarap sa buhay. Kahit siguro yung kaibigan mong ewan, marahil ay may pangarap din ngunit libre nga ba ito? At kung libre, bakit madami pa din ang di nakakaabot sa kanilang mga pangarap. Kasya ba ang take home pay mo?
May kakilala akong nag-Saudi. Nakapag pundar ng bahay, umabot sa mahigit isang milyon ang nahawakang pera. Tuloy tuloy na sana pero nalulong sa droga, nawala lahat ang kabuhayan.. Nangarap ba siya? Marahil. Pero somewhere along the way, nawala ang focus niya.

Tapos si Manong Ed, istokwa, bata pa tumira na sa palengke. Sabi sa kanila, "black sheep" ng pamilya. Di na inintindi ng magulang. Ang batang palaboy-laboy sa palengke ng Surigao, kamuntik naging sundalo, kamuntik din nakatapos ng engineering at nag-mekaniko. Nasaan na siya ngayon? Nag-abroad na, tangay ang limang kaibigan at kapamilya. Saan kaya niya hinugot ang kanyang lakas upang makaalis sa palengkeng naging kanlungan niya habang siya ay nag-iisa?

Listen, yung nanay ng friend ko at age 44, nag-nursing. San na siya ngayon? Nag to-tour na. She has all the money to do just that. Ano! matanda ka na? Eto isa pa. Yung lola ng friend ko, nag retire at age 65. Bumalik sa skul, kumuha ng Law. Sabi ng mga apo at anak, “Matanda na kayo. Pahinga na lang kayo sa bahay." Sagot niya, "Ubingak pay! (bata pa ako)." Nakinig ba siya? Hindi! Ayun pumasa sa bar, lawyer na ang lola! Whew!

Ano, hihirit ka pa?

Minsan sa isang seminar, lumapit sa akin ang isang clerk, may konting luha at lungkot sa kanyang mga mata. Sabi niya, "Labing pitong taon na akong clerk, wala pang nangyari sa buhay ko!" Ako ay namangha at nabagabag. Ang lalim nun ah! I got scared. Sabi ko, "Anong ginawa mo? Madami namang seminar na pwedeng puntahan, libro na pwedeng basahin o kaya panibagong skills na pwedeng pag-aralan." Ang kanyang tugon ay nakakalungkot. Sabi niya, "Busy ako sa work eh!" She was practically imprisoned sa lamesa niya for 17 years! Kaya ang mas malalim na tanong, "Are we busy with the right things? Does it make us grow? Does it make us a better person? May mas magandang pupuntahan ba ang ginagawa natin sa susunod na mga taon?" Ang karayom, pag tinusok sa'yo ay masakit. Mararamdaman mo ito. Kaya ang karayom itinali ko sa isang steel rod at itinusok sa dibdib niya, at sinabing, "Tignan mo yang isang officemate mo. Dati clerk din siya, ngayon Systems Administrator na. Pareho kayo ng simula diba?"

The desire to dream starts from the heart, it is a daily decision to be where you want to be. It is owning it. 'Tol, wag ka umasa sa mana mo o kaya sa gobyerno o sa Boss mo. At the end of the day, commodity ka lang. Ang buhay kasi is buy and sell kaya dapat alamin mo ang tunay mong halaga baka na syo-shortchange ka!
Ask yourself. Masaya ka ba where you are? Ok ka na ba diyan? kumusta lineage ng pamilya mo? Is that what you want to see in your generation? Sabi ng isang guard sa akin noon. “Security guard na lolo ko. Security guard din tatay ko, kaya security guard na din ako.” Sabi ko, "Ayaw mong maging chief of police?" But really, kung yung nagdaang henerasyon sa pamilya mo e puno ng kakulangan, would you even dream and act to change it? O you resign to it and say, "Eto ang kapalaran ko."

Simulan mo. Minsan masarap maging discontent. Wag mong isiping bata ka pa o matanda ka na o may kakulangan ka. Ala akong pinag-aralan eh. Mahirap lang kami. Wala kaming pera. O nagpapadala ka sa mga taong nagsasabing, "Sama-sama na lang tayo dito!" This one really scares me! O nagsasabing, "Ambisyoso ka!" 'Tol, at the end of the day, di naman sila ang magpapakain ng pamilya mo eh. Try mong utangan sila. It' not about lacking in resources, it is about resourcefulness.

I started losing friends when I realize may mga taong excess baggage sa buhay natin. Minsan may nakilala ako, sobrang nega. Sala sa init sala sa lamig. Laging may problemang dala. Minsang kasama ko sabi niya, "Bat di mo ako kinakausap?" Sagot ko naman, "There is nothing good to say!" Lagi akong nagtatanong, "Is this person going to make a good influence sa buhay ko?" Syempre, yan din ang lagi kong tanong sa sarili ko.

Choose your friends. An eagle can not fly if he is dressed like a turkey. And you can't go to the same school as the duck's school.

Tignan mo if they have grown in the past few years kasi may tinatawag na Law of Association. Are they excited about life or they see it as drudgery? Are you in survival mode or is your life accelerating? Do you hear more complaints than movements? Ang bakasyon ba mas pinagpla-planuhan kaysa sa buhay? Is happy hour better than growing together? There must be what they call the next level kasi ang buhay hindi dress rehearsal. Kaya if you see yourself in the bar every weekend with your friends, you better run away from them!

Start within you. Change the way you see things. Look at your life as a new canvass. Choose the colors ! Wag mo nang balikan yung nakaraan. Di mo na mababago yun. Yung ngayon at bukas, may magagawa ka pa.. Dapat may internal change muna. You have to start with your character. Be a better person everyday. Lahat ng gagawin mo should have an impact hindi lang sa buhay mo kundi sa mga taong nasa paligid mo. Everyday decision yan.

Pag-align na yung character mo, pag tama yang puso mo, everything will come into focus. Mas magaan ang buhay mo. Then yung sinasabi nilang, the whole universe will collide to give you what you deserve will definitely happen. Remember, the universe respond to deserved, not need, not want.

Finally, stretch yourself and your life like a rubber band. You will never know what your potentials are until you stretch yourself hard enough it's gonna break you. Don't let anyone live your life and drive you where they please. The only person who can tell you na hanggang diyan ka lang is yourself so the competition is not between you and the other person. It's the devil inside you that doesn't want you to grow.

Make a decision to change wherever you are. Don't wait for someday. Someday, someday, someday. Remove that from your vocabulary and say NOW IS THE TIME TO CHANGE!

Sama sama tayong mangarap. Mahal ang mangarap pero halika, I'll walk with you. Ano, kelan tayo magsisimula?

You already know everything you need to know about success. All you have to do is to put the remote control down, scoop that bag of chips away, get out from the couch and do something!
(Read more inside ..)

A letter to Mr. Aquino

Dear Mr. Aquino,

I was born in early 1985, the year where democracy was killed and freedom were stolen from millions of our countrymen and with my innocent mind, I was not aware of all the violence, fear, animosity and injustices that surrounds me during those times.

People were killed, student activist were buried from the unmarked grave others just lost without a traced. Anyone who go against the administration will suffer. They were afraid that is why no one had ever tried to fight and stand for what is right, but its you and you alone have the courage to stand and lead them, its you who has the courage to speak to what is right and what is wrong. It is you who woke up the minds of many to fight without violence and blood shed. You alone.

You were imprisoned for seven years and seven months not allowed to see the stars and the moon where the only possession that you have is your faith and courage. I never witnessed your sadness, agony and the pain that you've been through but the stories written in our history doesn't lie. I owe my life to our God and to my loving parents but I know I owe you something that I can never repay, something that WE can never repay. It is the "FREEDOM" that we have right now.


You brought back the voices of the youth that had been shutted down for over 21 years. You brought back the smile in every face of our countrymen that had been threatened by violence. You brought back the faith that had been shattered. You ignite the people to retrieve the democracy that had been stolen by selfishness and most of all you save the future of our generation. Thank you very much Sir!
I know it is not too late for me to give you this letter of mine for I believe that I will see you in time. There I can hand you over this letter personally.


Sincerely yours,
Hungry mind
(Read more inside ..)

Solusyon sa problema ng Pilipinas

My wife send me this conversation between a passenger and a jeepney driver through email. Funny how the conversation goes and how the Jeepney driver address his opinion regarding with the problems of our country. I enjoyed reading this and found out that the jeepney driver had made a lot of sense. He's analysis to the situation of our economy was closed to reality or should I say It is possible and real. Read the article and let me hear your opinion. It will take you time to read this but let me assure you it is worth to spend time reading it.


Here's the conversation:

Tsuper pala ang sikreto o susi ng pag-asenso ng Pinas ang sabi ko sa aking sarili habang pababa sa jeep na aking nasakyan. Natawa ako pag naaalala ko ang sinabi ng tsuper na kausap ko lang kanina. "Para makaahon tayo sa hirap dapat nating itaas lahat ng bilihin. Itaas ang jeepney fare sa P25 kada tao. Tanggalan ng tax ang mga mayayaman. Triplehen naman ang tax ng mga mahihirap" ang suhestion ng mamang drayber ng dyip na nasakyan ko. Mahaba ang aming napagkuwentuhan ng mamang drayber. May mga drayber kasi na sa kwento nila dinadaan ang pagkainip nila sa trapik dito sa metro manila. Maaring nagtataka na kayo kung paano nangyari yun. Hayaan nyong ilahad ko rin sa inyo ang kwento ng mamang tsuper.

Nagmamadali ako papasok ng opisina ng maipit kami sa trapik. "Haaaay naku" sabi ko sa aking sarili. "Walang pinagbago ang pinas". Natawa ang drayber ng sinasakyan kong dyip. Sa unahan kasi ako sumakay kaya narinig nya ang aking nasambit. Mukhang nagmamadali kayo sir ah, tanong ng drayber. Sanayan lang po yan dagdag pa nya. Oo nga eh, kaya lang eh nakakaasar kasing isipin na ganito na lang ba tayo palagi sagot ko. Wala ka na ngang pera.... trapik pa! Hirap na hirap talaga ang bansa natin ngayon. Lalong natawa ang drayber sa tinuran ko. "Sir" sabi nya, matanong ko nga kayo. Sure, sagot ko naman. Naniniwala ba kayong walang pera ang pinas? Hhhhhhmmmm napa-isip ako bigla sa tanong ng tsuper. Tingin ko wala! Kasi hirap ng buhay ngayon eh sagot ko sa kanya. Wag kayo sanang magagalit sir, mukhang mali ata po kayo duon ang magalang na tugon nya. Nagulat ako dahil mukhang may alam yung mamang tsuper na di ko alam. Bakit mo naman nasabi yan manong? Kasi ganito po yun sir... may pera ang pinas kaya nga lang ay nakaipit sa itaas ang paliwanag ng mamang tsuper.

Nakaipit po yung pera sa bangko ng mga mayayamang negosyante. At para pong dumadaan sa embudo ang pera pababa sa ating mahihirap ang dagdag pa nya. Unti unti lang po ang baba, sapat lang na tayo ay makakain at wag magpatayan. Kung mapapansin nyo po ay tila napakahirap ng buhay natin dito sa ibaba. Napakahirap kitain ng pera kasi nga ay kaunti lang ang perang umiikot dito sa atin sa ibaba. Samantalang P42 lang ang dolyares ngayon at kung may katotohanan ang report ng gobyerno natin na umaangat ang ekonomiya.... eh nasaan ang pera, tanong pa nung drayber. Kung totoong kumikita ang pinas pero hirap tayo at walang pera dito sa ibaba.... ibig lang sabihin noon ay nasa itaas o sa mayayamang negosyante ang pera, pagtatapos ng drayber. Magaling! sabi ko sa mamang tsuper. Ang galing nyo manong ah, dagdag ko pa.

Matanong ulit kita sabi nya sa akin. Paano naman natin mababaliktad ang kahirapan natin ngayon? Mukhang pahirap ng pahirap ang tanong nyo manong ah. Madali lang yan sagot nya. O sige nga po manong... paano? Ganito yun iho, kung ako ang masusunod para makaahon tayo sa hirap dapat nating itaas ang jeepney fare sa P25 kada tao. Tanggalan ng tax ang mga mayayaman. Triplehen naman ang tax ng mga mahihirap. Manong Giyera po yung hinihingi nyo! Wala na nga ho tayong pambili eh... tapos imbes na pababain nyo eh... itataas nyo pa. Isa pa ho, pag itinaas nyo ang pamasahe eh tataas ang bilihin. Lalo lang hong magiging kawawa ng mahihirap nyan sabi ko sa drayber. Isipin nyo mataas na ang bilihin tapos triple pa ang tax nila samantalang yung mayayaman naman eh aalisan nyo ng tax... manong naman! Ganito kasi yun iho. Kaming mga drayber ang sukatan at madalas na idinadahilan ng mga mayayaman. Kami rin ang tagapasan lagi ng problema. Kada gustong pagagaanin ng gobyerno ang buhay natin dito sa ibaba. Lagi nalang yung karampot naming kita ang kanilang pilit na pinabababa. Kasi nga naman pag mababa pamasahe eh makakatipid daw yung mga mahihirap dahil bababa din ang presyo ng bilihin. At kung mababa ang bilihin at pamasahe... eh di syempre mababa din ang pasuweldo. Para nga naman daw di bumagsak ang negosyo ng mga mayayaman at makahatak pa ng foreign investors. Pero kung gagamitan mo ng simpleng math... eh magkano lang talaga ang matitipid ng isang simpleng empleyado na gaya mo. Sa totoo lang ay malaki na P1.000.00 kada buwan ang matitipid mo at P12,000.00 sa isang taon. Aba manong malaki na pong tulong yung P12,000.00 sa mahihirap, ang sabi ko sa tsuper. Sige nga iho, ano sa tingin mo ang magagawa sa iyo ng P12,000.00? Sapat na ba iyon para makabili ka ng bahay? Sapat na ba iyon para mapagaral mo ang iyong mga anak sa magandang paaralan? Maari siguro na makabili ka ng second hand na telebisyon at maliliit na kagamitan sa bahay pero di yun sapat para mapaunlad mo kahit konti ang buhay ng iyong pamilya. Natigilan ako dahil may katwiran ang mamang tsuper. Bilang isang padre de pamilya na may tatlong anak... ano nga naman ang magagawa sa akin ngP1,000. kada buwan at P12,000.00 kada taon. Kung tutuusin eh sobra sobra pa nga yung kwenta nung drayber. Eh kung ganun manong ano naman ang iginanda nung suhestyon mo? Sa pagpapababa ng presyo, hindi ang mahihirap ang tunay na nakikinabang. Mas malaki ang natitipid ng mayayaman lalo na nung malalaking korporasyon.. Kasi ay bumababa ang kanilang operational expenses. Bababa ang kanilang puhunan dahil mababa ang kanilang pasahod at presyo ng materyales. Milyones ang kanilang natitipid. Ibig sabihin lang nun ay mas malaki ang kanilang kikitain. Lalo na ang foreign investors, dahil ini-export nila yung kanilang produkto, syempre pa dollars ang kanilang singil sa international market. Kaya naman sa pagpapababa ng presyo sila ang tunay na nakikinabang at hindi yung maliliit na gaya natin, lalo na kaming mga tsuper. Hhhhhmmmm.... may katwiran nga po kayo manong! Tama nga po kayo! Kung hindi pagpapababa ng pamasahe ang sagot... eh ano po? Hindi mo kailangan ibaba ang pamasahe para matulungan ang mga mahihirap na gaya natin iho. Kung ako ang masusunod, kung itataas natin sa P25 ang pamasahe, wala ng dahilan ang mayayaman para di magtaas ng pasahod. At kung ako ang masusunod ay gagawin kong P1,500.00 ang minimum salary ng bawat mangagawa. Hehehe! Natawa ako sa tinuran ng drayber sa akin. Matutuwa po misis ko nyan manong hehehe! Imaginine mo ang laki ng take home pay ko.

Pero kung ganun po ang gagawin nyo eh magrereklamo naman po yung mayayamang businessman. Sa laki ng gusto nyong pasahod eh wala na silang kikitain at baka magsara pa yung kumpanya nila. Matatakot din po yung foreign investor dito sa atin dahil ang taas ng labor cost. Hindi ka nakikinig iho, sagot naman ng tsuper. Kaya nga aalisan ko na ng tax ang mayayamang negosyante. Ihalimbawa na natin yung nakasuhan ng P25billion na tax evation. Di ba kung ano ano pang red tape at bayad sa mamahaling abogado ang ginawa nun? Sigurado umubos din sya ng milyon para lang di magbayad? Kung tatanggalan ko sya ng tax.... hindi na nya kailangan umubos ng milyon sa red tape at magbayad sa abogado. Kanya na yung P25 billion. Sa tingin mo masama pa ba yun? Sa ganung paraan din ay mababawasan ang mga buwaya sa BIR. Tungkol naman sa foreign investors... nakakalungkot isipin na labor lang ang kayang isipin ng ating gubyerno na panghatak sa kanila. Nakakalungkot din na isipin na ibinebenta tayo ng ating sariling gubyerno bilang murang alipin. Bakit di nila ipagmalaki ang kalidad o ang mataas na antas ng ating mangagawa? Mahusay ang mga pinoy magtrabaho at pulido pa. Dun pa lang lamang na tayo. Kaya nga mas gusto tayo ng mga arabo di ba? Di paulit ulit yung gawa kaya nakakatipid sila at naibebenta pa nila ng mahal dahil pulido nga ang pagkakagawa. Isa pa dapat din nating pakinabangan yung kung tawagin ng kano na strategic location ng bansa natin. Di ba kaya nga pilit parin na mga kano na magkaroon ng military activities o military base dito sa atin? Kung sa military ay importante yun ganun din sa negosyo. Puede tayong maging daungan at koneksyon ng mga barko at eroplano na naghahatid ng produkto. Mumura din ang presyo ng importation dahil bukod sa magigng daungan tayo ay meron pa tayong tinatawag na Globalization. Mura na rin nilang nakukuha ang kanilang raw materials na kailangan nila dahil sa bisa ng Globalization. Di ba yun nga ang purpose nun? Haaay naku mukhang napag-isipan nyo na ng husto yan manong drayber ah? Pero may isa ho ata kayo nakaligtaan. Kung aalisan nyo ng tax ang mga negosyante... paano naman po tatayo ang gubyerno natin nyan? Paano na ang infrustructures natin nyan? Paano na yung operation expenses ng gobyerno natin? Dito mahihirapan na sya sa isip-isip ko.

Napakamot ng ulo ang mamang drayber. Haaay naku iho di ka talaga nakikinig. Kaya nga ti-triplehen ko ang tax nang mahihirap o empleyado eh. Sige mathematics ulit tayo. Sa ngayon ay meron tayong 87 milyon na pilipino. 10% lang nyan ang mayayamang negosyante, 20% ang middle class at 70% ang mahihirap. Sa mathematics ibig sabihin nun ay may 8.7milyon lang ang mayayaman. Baka nga sobra pa yang bilang na iyan, dagdag pa ng tsuper. Yung natitirang 78milyon ay malamang na karamihan ay empleyado. Sabihin nalang natin na 50million ang nagtatrabaho para di tayo mahirapan sa mathematics. Kung dati ay nakakakuha ka ng tig-pipiso, magiging triple yun, ngayon ay makakakuha ka na ng P3.00. Ibig sabihin nito kung dati nakakakolekta angBIR ng P50million... magiging P150million na yun. Eh hindi lang naman 3piso ang ibinabawas sa tax ng isang empleyado. Mababa ang P500 sa mga iyan eh kung tatlong P500 yan! Sige nga iho imathematics mo nga. Mas magiging epektibo ang koleksyon ng BIR dahil di na nila kailangan pang maghabol. Sa ayaw at sa gusto ng empleyado ay babawasan sila ng tax kada buwan. Madadagdagan pa ang galamay ng BIR sa pamamagitan ng mga employer at mababawasan ng malaki ang corruption sa ating bansa. Hanep manong ang galing nyo po ah! Isa pa iho, mas marami na ngayon ang magtutulungan na paangatin ang bansa natin. Imbes na 10% lang ng population ang magdadala... yung 90% na ngayon ang papasan ng ekonomiya natin. Oo nga po manong.... kaya lang parang ganun pa rin iyon. Mataas nga ang sahod pero mataas din ang bilihin. Eh di wala rin po! Kayod marino ka parin nun dahil sa taas ng bilihin.

Maaring ganun pa nga rin yun iho. Pero matanong kita ulit. Maari ngang mahihirapan ka pa rin. Pero alin naman ang mas pipiliin mo... yung nahihirapan ka na ang pagkain mo ay tuyo.... o yung nahihrapan ka na ang pagkain mo ay fried chicken? Manong naman! tinatanong pa ba yun! Syempre dun ako sa chicken. Ano ang mas gusto mo iho.... yung nahihirapan ka na nakahiga sa banig.... o yung nahihirapan ka na nakahiga ka sa malambot na kama ? Manong trick question po ba yan. Syempre naman dun ako sa kama! Eto pa ang isang tanong iho. Sa tingin mo ba may katotohanan yung naisip ko? Nangyayari ba yun. Naku manong drayber kayo na po siguro ang sumagot nyan. Medyo mahina po ako sa math eh! Natawa na lang yung drayber sa aking isinagot sa kanya. Di mo naman kailangan ng math dun eh iho! Ihalimbawa na natin ang mga bansang gayang Singapore, Japan, Hongkong, Canada, Australia, Amerika at England. Lahat ng binanggit ko ay may mataas na pasahod sa empleyado. Lahat yun ng mga bansang iyon ay may buying power ang mga taong nasa ibaba. Lahat yun ay may kapasidad ang mamayan na bumili. Lahat ng mga iyon ay dinadayo ng foriegn investor dahil malakas ang kanilang kalakalan. Lahat ng iyon may maunlad na local na ekonomiya. Kasi iho basic lang naman yung ginawa nating solusyon. Naalala mo ba yung embudo na sinasabi ko sa iyo kanina. Sa pamamagitan ng pagpapataas ng sahod ay lumuwag yung butas sa embudo at bumuhos yung pera sa ibaba. At dahil nga may buying power ang isang simpleng empleyado na gaya mo ay mamimili ka rin. Halimbawa na... dahil may pera ka na ay kaya mo nang yayain si esmi mo na kumain naman sa restaurant. Kaya mo na rin ibili ng sapatos ang anak mo. Kaya mo na rin bumili ng bahay at higit sa lahat ay kaya mo nang mapag-aral ang iyong anak sa maayos na paaralan. Kada bibili ka yung pera mo ay aakyat ulit pataas dun sa mga negosyante. Ang nangyari ay umikot lang yung pera sa paraan na matitikman din nating mahihirap yung pinagmamalaki ng gobyerno na pag-unlad ng ekonomiya at nung P42 per dollar. Imbes na sila lang sa itaas ang nakikinabang. ...hehehe medyo maaambunan na tayo.

Kaya lang po manong eh.... sa kanilang bansa siguro pwede yun! Dito po sa pinas malabong mangyari yun! Iho akala ko ba ay empleyado ka? Hindi mo ba alam na taon taon ay nangyayari yung sinasabi ko sa iyo. Mayroong buwan sa isang taon na kung saan yung embudo sa taas ay lumuluwag. Taon taon yan... hindi nga lang triple ng sweldo pero doble naman. Kung sumasahod ka ng P10,000.00 kada buwan, may time sa isang taon na sasahod ka pa ulit ng panibagong P10,000.00. Kung ima-mathematics ulit natin eh tumatangap ka ng P20,000.00. Hah talaga ho manong? OO naman iho. Nung panahon kasi ni makoy iho ay may ginawang batas na tunay na pangmahirap. Yan ang tinatawag nating... thirteenth month pay! Sa bisa ng batas na iyan, walang choice ang mga mayayamang negosyante na magbayad ng doble sa kanilang empleyado kada disyembre. Hindi ba iho, kada December puno ang mga pamilihan? Kami kada disyembre malakas ang pasada. Ganun din sa taxi at tricycle. Yung mga kumpanya malakas din ang sales gaya softdrink, appliances, sanmiguel beer at iba pa. Pag bumaba ang pera masaya anglahat hehehe! Ang galing nyo po talaga manong! Hanga po ako sa inyo, Hanneeeep po talaga! Ang masakit nga lang nito iho.... kung ako na simpleng drayber eh naiisip ko yun. Eh di lalo na yung mga mayayaman at politiko na nag-aral sa magagandang eskwelahan. Mas matatalino sila eh diba. Nasilip nila ang isang butas sa ating batas na hindi ako sigurado kung pang mahirap na batas o pang mayaman! Ano po iyon manong? Ang ginagamit nilang pansakal sa embudo na sinasabi ko para mapigilan ang pagbuhos ng pera sa ibaba ay yung tinatawag nating minimum wage law. Sa ganang akin ay hindi pangmahirap na batas yan. Sige nga kung talagang para sa atin yan.... ikaw na simpleng empleyado na may tatlong anak.... satingin mo ba ay kasya yung minimum na inaprubahan ng gubyerno na P350.00? Kahit siguro si Einstein ay mahihirapan sa mathematics na ginawa nila hahahaha! O sige nga subukan natin. Teka ha hmmmm.... ok ganito.... sa umaga bili kang bigas na mumurahin. Yung tig P25.00 tapos saing mo kalahati. Bili ka ng tuyo na tig P15. Sa tanghali isaing nyo yung kalahati ng bigas tapos bili ka ng itlog at 2 lucky me na aabot ng P20. Damihan mo na lang ang sabaw para magkasya hehehe. Sa gabi naman ay bili ka ulit ng kalahating kilong bigas(P12.50) at 1 latang sardinas igisa mo sa bawang sibuyas at sangkaterbang tubig ulit hehehe, mga P20 ulit yan. Sa pagkain nyo ubos ka na agad ng P92.50. Syempre empleado ka papasok ka. Pagpalagay na nating P100. ang gastos mo. Magkano na yun P192.50. Eh kung may pinadede kang baby. at may pinagaaral ka na panganay. Kuryente, tubig at upa pa sabahay. Project pa ng anak mo sa skul at tuition. Hindi rin naman pued na puroka tuyo, itlog, lucky me at sardinas araw araw. Anong klaseng math kaya angginawa nila at nagkasya yung P350.00 hahaha. Kaya kung ako sa iyo iho sasususnod na eleksyon ay wag ka ng pumili ng matatalino at eknomista.Kasi medyo nakakalito yung aritmetik nila eh heheheh! Ang mga halakhak na iyon ng mamang tsuper ang mga huling kataganglumabas sa kanya na aking naalala. Habang ako ay naglalakad patungo sa opisinaay naisip ko ang mga bagay bagay. Maaring marami ring butas ang suhestyon ni manong drayber. Pero maari rin namang sya ay tama. Ilang dekada na banatin silang pinarurusahan. Ilan dekada na ba nating pinipilit ibaba angpamasahe para bumaba ang lahat ng bilihin. Ilang dekada na ba na ipinapasa ng mayayaman ang pahirap sa mga gaya ni manong drayber. Maaari nga sigurongkapos sa pinagaralang ang drayber ng dyip na nasakyan ko...pero isa langang nasisiguro... ang kanyang sinabi ay mula sa kaibuturan ng kanyang puso!

(Read more inside ..)