I visited my old room at our house in alabang last week and try to look for my old stuff inside my cabinet. As I started to pull out all the things inside suddenly a piece of crampled paper fell down on the floor, curiously I picked it up as if it's like something very important. Quickly I open it and started to read what's written on it. I was surprised. My brother (Richmond) made it. A special letter pertaining the importance of a RUBBER BAND.
Ang Rubber Band ay isang pabilog na goma na ginagamit sa ibat-ibang paraan, para sa mga bata ito ay laruan, para sa mga matatanda at sa mga nakakaintindi kung saan ginagamit ang rubber band, syempre ginagamit itong pang bundle ng mga papel, lapis at ballpen sa school at office. Pangtali ng gulay sa palengke at kung ano ano pa. TAKE NOTE: pwede rin ito gamiting pang LABTIK sa mga makukulit na bata at sa maingay na katabi mo sa klase.
Ibang klase talaga ang katangian ng rubber band, syempre dahil nga rubber siya, elastic sya. Pero ang katangian na tinutukoy ko ay ang kakayahan nitong magbigkis ng higit sa limampong ballpen ng hindi napipigtas, at bukod don habang dumadami ang binigkis nito ay lalong umiigting ang pagkakabigkis nito.
Eto na. Eto na ang part na hinihintay ko. Lumipad na naman ang malikhaing diwa ko. Maihahalintulad ko sa isang rubber band ang bigkis na patuloy na nag-uugnay sa amin ng buong pamilya ko. Maaaring magkakalayo-layo kami ng lugar na tinitigilan o tinitirahan ngayon ngunit dahil sa rubber band na nag-uugnay saamin ay malapit parin kami sa isat-isa at patuloy ang magandang banding na kinaiinggitan samin ng ibang pamilya. Ngayon ay unti-unti ng lumalaki ang pamilya namin, nadadagdagan kami ng nadadagdagan kaya lalong sumasaya ang pamilya dahilan din para lalo pang umigting ang pagkakabigkis ng rubber band. Ngunit di tulad ng literal na rubber band na pagtagal ay rumurupok at napipigtas ang rubber ang rubber band na nagbibigkis samin. dahil sa halip na rumupok ay lalo itong tumitibay at patuloy na tumitibay dahil sa pagmamahalan, pagtitiwala at pagtutulungan ng bawat miyembro ng pamilya. Kaya naman sa patuloy na pagadaan ng panahon at patuloy na paglaki ng aming pamilya ay hindi ako nangangamba na mapipigtas ang rubber band na nagbibigkis at nag-uugnay sa amin kasi malabong mangyari yun. Promise!
1 comments:
Bro. hiramin q lng 2ng monolog n gnwa q. .hnd q n kc mkita ung original n paper n pnagsulatan q ni2. . hehe. . tsaka u n q kasuhan ng pgna2kaw s blogspot u. . pgkatpos q gmitin 2 s website n gngwa q. .tnx. . hehe. .
Post a Comment